BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 17, 2009

Routine?

     Ako nalang palagi yung may kasalanan. akala ko matatagalan bago magkarron ulit kami ng issue. Akala ko nakabawi na ako. Akala ko naintindihan na niyang mahirap dito. Akala ko, tama yung mga akala ko. :(

     Sometimes, we should just lower our expectations para 'di tayo madisappoint. Ang hirap pala ng pakiramam mo na ikaw nalang yung laging gumagawa ng mali. Totoo nga, ako yung sobrang daming pagkukulan. Pero, kung binibigyan lang niya sana ako ng chance na makabawi, kung pinapakita niyang naiintindihan niya ako at kung hindi siya INSENSITIVE, sana mas okay kami.
    Alam kong nahihirapan siya, but he chose not to leave me. Alam kong he's hurting so much pero, he still loves me. Isn't that too much? Kaya ko nap-pressure nang sobrakasi pakiramdam ko na kailangan kong pantayan lahat ng ginagawa niya pero, imbes na magawa ko yun, mas lalo ko pa siyang sinasaktan.

     Sana, sana talaga okay na. Sobrang mahal na mahal kita baby! Forever. I'll keep that promise. :(

Saturday, September 12, 2009

Feign

      Why do some people need to pretend? Para ba 'di na sila tanungin pa at usisain ang buhay nila? dahil ba natutuwa sila dahil nadadala nila yung mga tao sa pagpapanggap nila? Dahil ba gusto nilang malaman kung sino ang may concern at nagpapaka-concerned lang? O baka iniisip lang natin na nagpapanggap sila but the truth is nagpapkatotoo naman.

     Pwede din namang mangyari yun, diba? Minsan, kapag nagsasabi na ako ng totoo, ang iisipin nila nagsisinungaling ako. There may be times na nagsisinungaling ako, pero 'di naman palagi. Masakit lang sa part ng mga taong nagaganun kasi, hindi na nila alam kung paano pa sila kikilos. Baka mali at isipin na namang "scripted" ang mga galaw.

     Pero, kahit pa sabihin mong scripted yun, 'di mo naman mapapanatili yung story mo kasi 'di lang naman sa'yo gumgalaw ang mundo. 'Di lang ikaw ang bida sa kwento. And lahat ng mangyayari sa'yo, 'di mo pwedeng mabago kasi it's already planned. Kaya in one way or another, you'll have to end your foolishness.

     Tayo naman ding audience, we should look at ourselves first. 'Di natin alam, scripted na din pala ang mga galaw natin though hindi naman yun maiiwasan. But it's better to be true to ourselves kahit ano pa ang magiging reactions ng tao. At least, nagpapkatotoo tayo, eh sila? :))

Tuesday, September 8, 2009

Ang pagbagsak at Pag-angat.

     Natanggap ko na ngayong araw ang aking report card and satisfied naman ako. Kasi diba nga, bagsak ako sa exams sa Trigo at Physics? 84 yata ako sa Physics na pwede na kasi ineexpect ko 82. Sa Trigo naman, medyo masakit. Haha! 81 lang kasi. Nakaka-Ouch. Mas lalo kong naiisip na Bubonic nga talaga ako sa Math. Haha! Okay lang yun, I'm trying naman my very best para makaintindi sa Math. kanina nga eh, nangopya lang ako sa classmates ko. Amp! Wala kasi talaga akong maintindihan. :((

     Anyways, ang topic ko tlaga ay yung conduct. out of 49, pang-35 ako. HAHAHA! Okay na yun. Last year nga, out of 50, png-49 ako. Oh, asenso naman, diba? Nakakatawa lang. Kasi si Jen, pang-15 pero ang conduct niya 83 lang. Haha! Which only proves na maingay nga talaga ng IV - St. Francis. :))

     Eh, ano naman? Ginagawa naman namin nang maayos ang mga paperworks. Pero siyempre, STAR SECTION daw kasi kaya dapat tahimik. Hay nko. GIVE US THE FREEDOM TO TALK FOR IT IS THE ONLY WAY THAT WE ARE RELIEVED FROM ALL THE HEAVY PAPERWORKS THAT YOU ARE GIVING US!

     At isa pa, ang coduct ay 'di lang nababase sa katahimikan sa classroom. Mero diyan, sobrang tahimik pero grabe manlait ng mga teachers at classmates. Sana naman i-consider din yun kasi nagiging unfair.

     BTW, si Jomar ay top 3 nalang. :( okay lang daw sa kanya pero, nararamdaman kong sobrang sakit sa kanya nun. Ako nga naiiyak eh, siya pa kaya? Simula kinder hanggang elementary at 3rd year siya top 1 tapos, biglang si Czarina na din ang top 1 ngayong 1st quarter. Wow! Nakakagulat lang. And she deserves it. Sobrang stressed na siya and her harwork paid off. Naiyak pa nga siya eh. Pero, may 3 quarters pa para bumawi, mas gumaling at bumagsak. Haha!

     LESSON: Wala lang. Mag-aral nang mabuti para next time maganda na i-post ko sa blog. Haha! :D

Friday, September 4, 2009

Ang ex

      Isa daw sa mga pinakapinagseselosan ng girlfriends ay ang ex girlfriend ng boyfriend nila. Hmm. Totoo nga siguro. Sobrang selos yung naramdaman ko nung kwinento niyang close yung family niya at yung ex-girlfriend niya. Haay. At least naman honest siya sinabi niya yun sa akin. Pero, kahit na. Naiinis ako! :((

     Bakit ba ganun? Ngayon ko lang naramdaman 'to. Yung sobrang selos sa isang tao. Ugh!! Ayoko na! Sobrang umiyak ako kanina dahil dun. Naiinis ako pero 'di ko malaman kung bakit. Naiinis ako pero, 'di ko masabi sa kanya. Naiinis ako pero 'di ko malabas. Wala akong masabihan kaya sa blog ko na naman nilagay kasi wala namang makakaintindi sa akin. Haaay.

     Ang walang kwenta ko talagang girlfriend kahit kailan Sa tingin ko, mag-aaway na naman kami. Hay. Ang baba na ng tingin ko sa sarili ko dahil sa madalas naming pag-aaway. Hay. I do not know what to do na. Siguro sa susunod na mga araw mas magiging okay na kami kasi nakaksawa din naman ang laging nag-aaway. :(

Past is past

     Nasayang lang ang pag-shorts ko sa Trinoma! Haha! Wala naman akong nakita. Yung lalaking nahe-headspin ba yun? Basta yun. Yun lang nakita ko. Haha! Kahit man lang sana si Billy Crawford eh! Umuwi kasi kami agad ni Michelle. Ang dami naman kasing tao tsaka nawalan na kami ng pag-asa dahil kailangan mo pa palang makabili ng worth 1, 500 sa Trinoma. kung alam lang sana namin before kami magpunta dun, edi sana masaya kami ngayon. :|
     Pero okay lang. May mas masaya pang nangyari. :)

     Nakita ko yung super crush ko dati na itago nalang natin sa name na BLAH! Haha! Wala naman. Cute pa rin siya and yun na lang yun. Hahaha! :D Short lang 'tong post ko dahil may isa pa akong isusulat. :||

Thursday, September 3, 2009

Mr. President

     Ang blog ko dapat ay tungkol sa mga toy cars na nilaro namin kanina. Eh, nanonood ako ng TV Patrol World, nakita ko na si Noynoy Aquino daw ay tinatawag nang Mr. President. :)

    Masaya naman ako sa bagay na yun. kung pwede lang na bumoto ako sa 2010, iboboto ko siya kung tatakbo man siyang pangulo. 'Di pa kasi siya nag-aannounce ng candidacy diba? Pero, for sure namang tatakbo na yan. Nakakatuwa lang kung iisipin na iniwan ni Sen. Mar Roxas yung dream niyang maging presidente. Biruin mo, magkano din yung gastos niya para sa commercials, diba?

     Pero, sa tingin ko naman, siya yung VP ni Aquino. Hindi naman siguro dahil sa pagkamatay ni Pres. Cory Aquino kaya siya naging matunog ngayon. Kahit ba isipin nating ganun na nga ang dahilan, pero kung may iba pang tatakbo, sa tingin ko siya pa rin ang pipiliin ko.

     Pwede din naman si Villar, akala mo Conyo, yun pala ka-tropa mo. Hahaha! Grabe pa yung ad niya na yun eh, noh? Career! Kanta pa ng Parokya ni Edgar. Pero, mayaman naman na siya. 'Di na niya kailangan ng pera. Haha! pero, kung si Noynoy, mahal na mahal nila ang Pilipinas. And sa experience ng pamilya nila. Dun sa pagkamatay ng dad nila na si Ninoy Aquino. Siyempre, gusto nila na ibigay sa mga Pilipino yung magandang pamamalakad na kinakailangan ng mga Pilipino.

     Wala naman yata ako sa posisyon para magbigay ng opinion sa kung sino ang dapat iboto. BATA PA AKO EH! =)) Pero, ayun nga. Dahil naman mamamayan ako ng Pilipinas, dapat rin namang may pakialam ako. :D

    Basta, para sa mga boboto, isipin niyong maigi. Para wala na kayong ireklamo pa sa susunod ng government natin. Grabe naman kasi yung mga tao. Todo reklamo, eh, sila naman yung bumoto dun sa president! Hahaha! :D

    Vote wisely para 'di magsisi. :))


Wednesday, September 2, 2009

Ang Bully. :D

     Akala ko, magiging ultra-boring na naman ang day ko. Pero, medyo naging extraordinary siya dahil sa isang masalimuot na pangyayari. Haha!

    Ganito kasi yon, lumipat ako sa isang seat kasi wala yung nakaupo sa harap ko kaya naging katabi ko si Aicha at yung bida sa aking kwento. Ang bully kong classmate na itago nalnag natin sa pangalang Jana. :|

    Inosente lang naman ako. Nagsimula yun nung nagpapakwento ako sa kanya tapos biglang sinabi niyang tinatawag siya ni Mother Nature. So, wait naman ako and support na kunin na niya ang class pass. 'Di ko alam na ikinasama yun ng loob niya dahil 'di pala ganun kadali para sa kanya na maabot ang class pass. Eh, naturally, matatawa ako kasi may nasabi din akong nakakatawa. Pinaabot ko dun sa classmate kong isa tapos, 'di rin pala ganon katangkad. So, tawa all the way kami.

    Nagpatuloy pa ang tawanang yun hangaang sa isang iglap, bigla niya akong kinurot! Aba, siyempre, ako naman bumawi. Tapos, naglaho nang saglit. Nung ngapakwento ako sa kanya ay tinawag na naman daw siya ni Mother Nature. Eh, may 2 na magkasunod na nagCR, kaya nung wala nang teacher tinulungan ko siyang maabot yung class pass. At doon na nagsimula ang sobra niyang pang-aapi sa isang inosenteng katulad ko. Nandun kung hinampas sa braso, kinurot at tinulak.

    Nung nakatayo na kami pero nagkukulitan pa din, bigla siyang gumalaw na para bang hahambalusin akong muli. Edi, siyempre, umilag ako. Nagkataon lang na malandi yung shield ko. HAHAHA! Na siya namang naging cause ng sobrang pagtatawanan namin. Haha!

    Pero, kahit na ganyan yang si Jana, mahal na mahal ko yan. I think I found mine. Hahaha! Kaya tuloy, I'm looking forward na for tomorrow. Nakakatawa kasi eh. :))

Tuesday, September 1, 2009

Almost Dead. :|


So. Napakaboring na naman ng aking araw. Amp yan. Haha! Ang pangit kasi ng lugar ko sa likod. Ang tangkad ni Andre! Lagi nalang yung mga nunal niya sa batok yung napapansin ko. Hahaha! Nakakainis. Nakakaantok pa dun. At isa pa, mainit! Ang damot naman kasi nung malapit sa air conditioner, 'di man lang itaas. Malapit na nga sila dun, binababa pa! :\ Talagang naglabas ng sama ng loob dito eh, noh?

Pero, ito naman yung purpose ng blog eh. Haha. Wala namang nagbabasa ng blog ko kaya okay lang. Haha! =)) Balang araw, marami ring magbabasa nito. Haha!

Okay, bumalik na tayo sa mga sinasabi ko kanina. Haha! Ayon. Ang pangit sa school pero dito sa bahay, okay naman na. Haha! Biruin mo, pinayagan akong magcomputer nang 'di pa ako nag-aaral. Haha! Cool! :)) Kaya ayan, gumagawa na naman ako ng post ko. Mamaya, poker naman. kahit na 'di ko maintindihan. Haha!

Ayun. May nakakatawang bagay sa bahay. Si Papa, kanina, may nilalagay sa clutch bag niya. So, ako naman 'tong si curious, edi pinanood ko siya. Tapos, nakita kong may baril edi nagulat ako. Napasigaw ako ng "Halaaa..." Tapos, tumingin siya sa akin, kinabahan naman ako kasi seryoso yung mukha niya. Tinapat niya sa akin yung baril, tapos, sabay baril na. Inisip ko, "Goodbye world.." Sabay pikit. May narinig akong tumawa. Dumilat ako, nakita ko si Papa. Siya yung tumatawa. Ang sarap pakinggan since minsan lang tumawa ng ganun si Papa kasi siya yung seryosong type ng tao. Edi, nagtaka naman ako, sabay sabi ni Papa, "Para kang baliw. Lighter 'to!! Hahahahaha!"

Grabe. Ganon na sila kasama sa akin. Haha! Nagmukha akong tanga nun. Akala ko, katapusan na ng buhay ko. Hahaha! Lesson learned, don't judge a book by it's cover. Nyaha. Lighter lang pala. Pero, super mukhang baril talaga siya.  Katangahan ko talaga oh. 'Di na yan mauulit. Haha! At least, narinig kong tumawa ng ganon si Papa. Masaya na akong ganon. Haha! :D