BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, August 31, 2009

Your song. Now, our song. ♥


 First beat palang ng song, nagandahan na ako. And the fact na ito daw ang theme song namin ni boyfriend, mas lalo pang naging maganda. Haha! Eto yung lyrics and yung song, press play nalang po. Kaso, 30 seconds lang yan. Wala na ako makita eh. Nyaha. =)) Click niyo nalang yung PLAY FULL SONG HERE. ;)

Nothing (4x)

I'll take the sun and have it placed on the band of a ring
And put it on your left hand
Walk around with your proud to tell the world I'm your man
Shout it from every mountain if you say I can

Girl what you want
If I got anything yo say about it
Thats what you get
Girl what you need
Don't ever hesitate to tell me so
Babygirl you're supposed to know

That nothing is ever too much
You want the world
But to me its not even enough
I would give you my heaven in exchange for your love
Baby just know that nothing is ever too much for you girl
Nothing is ever too much for you girl
Nothing is ever too much for you girl

Tell me you want the stars to light the sky
Make the call, girl it's no problem at all
Make them change collours
Whenever you like
Make them fall
No one is ever too tall

Girl what you want
If I got anything yo say about it
Thats what you get
Girl what you need
Don't ever hesitate to tell me so
Babygirl you're supposed to know

That nothing is ever too much
You want the world
But to me its not even enough
I would give you my heaven in exchange for your love
Baby just know that nothing is ever too much for you girl
Nothing is ever too much for you girl
Nothing is ever too much for you girl

Make a command
Girl clap your hands
And you will see
That I'm for real
Tell me your dreams
Leave it to me
Girl what you want
You will recieve

Everything you want
That nothing is ever too much
You want the world
But to me its not even enough
I would give you my heaven in exchange for your love
Baby just know that nothing is ever too much for you girl
Nothing is ever too much for you girl
Nothing is ever too much for you girl

That nothing is ever too much for you babe...
Boyfriend. Ayan uh? I loooove you!! =))

My Chuck Bass. :)

 
That's me. And Chuck Bass.
That's me. And Chuck Bass. In my dream.
     Haha! Having a boyfriend who's as bad as Chuck Bass never crossed my mind. I'm not saying that I have a bad boyfriend now, it's just, sometimes, you can never escape from thinking why this guy hurts you too much. Pero, kahit pa ganun, 'di mo pa rin magawang magalit sa kanya.
     Same with Chuck Bass, alam mo yung grabeng nakakasar na siya sa sobrang sama niya, pero isang titig lang niya, maiinis ka sa sarili mo kung bakit ka naaasar sa kanya. Haha! May ganyan din kaya sa totoo? In my case, I found one. I found my Chuck Bass. 
     Hindi naman siya yung ganun kasama na katulad kay Chuck. Hmm. Madalas lang kami magkagalitan dahil sa mga mabababaw na bagay. At dahil dun, minsa naiisip ko, "Eto na naman po si Chuck Bass.." Haha! Funny para sa akin, since pinipilit kong ipagkalat na ako si Blair Waldorf and there, I found nga Chuck Bass nang walang kaeffort-effort. =))
     Nasabihan na akong INSENSITIVE pati na rin na SINUNGALING. Ewan, dati, sinasabi ko, kung sasabihan ako ng ganon, papatayin ko yung taong yun. Kaso, magagawa mo ba yun sa taong mahal mo? Naguguluhan na rin ako, hanggang ngayon. Dito ko nalang nga nalalabas lahat eh, kasi kung sasabihin ko sa kanya, away na naman. Haaay Never pa ako napunta sa isang relationship na ganito. Ay! Meron na pala. 2nd na siya. =)) Magkasunod pa. Amp. :x
     Tama bang pagpatuloy pa rin ang isang relationship kung laging may away? Dapat bang ipaglaban pa yung feelings mo, kung hindi naman nagbubunga? I NEED YOUR HELP. :(

Saturday, August 29, 2009

Part of the List (Hollywood Edition)

     Alam kong wala pa masyadong nagrereact sa isa kong post. Yung Part of the List dahil si Mao palang ang nasasabihan ko tungkol sa blog na yun. Haha! Anyways, habang wala pang masyadong nagagalit sa akin, isasama ko na rin ang boyfriends ko sa US. =)) para kung may magalit, one time big time nalang! :D
     Katulad ng dati, sisimulan natin sa 5. Ang pinakahindi ko sineryoso sa lima kong napiling boyfriends. Pero, ang totoo, marami pang iba, kaso bitter sila eh. Baka magfeeling pa kapag nilagay ko, akalaing nakikipagbalikan ako. Example nun, si Joe Jonas. Yun ang pinakabitter sa lahat ng mga naging boyfriends ko sa US. Haha! KAPAL MO, ANA!! =)))
     Okay, tayo'y magsimula na..
 

 
Ayan si Chad Michael Murray. Ang naging boyfriend ko nang matagal na panahon simula nung grade 5 ako. Haha! Yun yung nasimulan kong mapanood ang One Tree Hill kung saa siya ay si Lucas Scott. At kung ako ang tatanungin kung kaninong ugali fictional character  gusto kong matulad ang boyfriend ko bukod kay EDWARD CULLEN, ang pipiliin ko ay si Lucas Scott. Grabe! Kung nakakanood kayo ng One Tree Hill, mamahalin mo talaga yung character niya. Sobrang deep ang sweet ng mga lines niya.
Example: "Because it´s only when you´re tested that you truly discover who you are. And it´s only when you´re tested that you discover who you can be. The person that you want to be does exist, somewhere in the other side of hard work and faith, and belief and beyond the heartache and fear of what life has."
Oh, diba? 


Hmm. Nahirapan akong pumili sa kanilang dalawa and ayoko namang may masaktan, kaya tinanong ko sila kanina. Ang sabi nila, okay lang naman daw basta magig masaya ako. HAHAHA! Kaya ayan. Si Channing Tatum na naging boyfriend ko nung She's the Man palang pero nakipagbreak ako tapos, kami na ulit ngayon dahil may G.I. Joe na siya. Si David Beckham naman, ay pinahiram ko lang kay Victoria Beckham kapalit ng pagtulong niya sa akin sa pagpili ng damit. Haha! Basta, kitang kita naman ang dahilan kung bakit. Lalo na yung kay BECKHAM!! =))
 
Nung una, ayoko naman talaga sa kanya eh. Ang kaso, mapilit. Sinabi kong magiging kami, kapalit ng pagkapanalo niya sa American Idol, kaya naman nakita niyo, pinanalo talaga niya. Na-touch naman ako sapagkat ginawa niya ang lahat mapasakanya lamang ako. HAHAHA! Kaso, sobrang nagseselos yung si Barney asawa niya) pero, ako pa rin ang pinili ni Papa Kris Allen. :D

 
Dahil nga ako si Blair Waldorf, karapat-dapat na ilagay ko si Nate Archibald sa aking listahan. Pero, bukod dun, mahal ko talaga itong si Chace Crawford. Na-turn off lang ako nang minsang maikwento niya sa akin na naging sila daw ni Lady Gaga at naghamon ako ng break-up. Kaso, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa depression. Kaya naman, napilitan akong maging kami pa din kahit na ayaw ko na.

 
At! Ang aking asawa na si David Archuleta. :"> Sobrang mahal na mahal ko yan kahit ano pa ang mangyari. HAHA! Dapat nga may anak na kami niyan eh ang kaso, pinatay ni Klarisse. Haha! Nainggit. Kasi naman, pumunta pa talaga siya dito sa Pilipinas para lang magharana sa akin. At sinama pa si David Cook! Haha!
* Ayan na silang lahat. Ang sampu sa pinakasineryoso kong boyfriends (kasama na yung 5 sa isa pang blogpost). Sana'y walang mag-away dahil dito, nagsasabi lamang ako ng totoo. Hahaha!

PAALALA: Fictitious lang ito. Maki-ride nalang. =))

Roses or Letters?


     
Hindi ko maintindihan kung bakit ang ibang babae ay gustung-gustong nakatatanggap ng roses galing sa guys. In my case, kung maaari ay ayokong makatanggap. Hello?! Walang kaeffort-effort yun noh. Mahal nga pero, napakadali namang bilhin. Sa lahat ng lugar na madaanan mo, makakabili ka ng ganon. Diba? Mas maganda pa yung letter na kahit pa sumakit ang ulo ko sa kakaintindi ng penmanship ng guy eh, matutuwa pa din ako kasi alam ko yung effort na binigay niya para magawa yung letter na yun. Haha!

     Gifts don't need to be expensive naman for it to be appreciated. What's needed is the effort of the one who'll be giving it and sincerity niya sa pagbigay nito. Well, may nakausap kasi akong guy and sabi niya na mahilig daw siyang magbigay ng roses sa girls. I think naman it's okay since mahirap din namang bitbitin ang isang dosena ng roses. Isa pa, mahal yun. Pero, hindi naman naipapakita ang pagmamahal through material things, diba?

     Depende nalang din siguro yun sa girl na tatangaap ng gift. Pero, nakakatouch din naman kung palabigay ng gifts ang boyfriend mo. Ang malaking problema lang ay kung saan mo ilalagay ang mga yun at paano mo maibabalik ang mga yunk apag nagbreak na kayo. Haha! Ang sagot? Wag ka masyadong manghingi ng regalo sa boyfriend mo! =))

Thursday, August 27, 2009

Part of the List

I can't think of anything to use as a topic for my second blog post so, naisip ko na baka pwede kong i-share sa inyo, ang boyfriends ko. Haha!

WARNING: They're all mine and you can't take them away from me. Mainggit ka nalang at maglaway sa kanila. Hahaha! And, alam kong 'di sila ganon ka-gwapo sa mga pictures na kinuha ko, yun ay sa kadahilanang ayaw kong sobra kayong mainggit sa akin. =))

Okay, sobrang kapal na ng mukha ko, kaya sisimulan ko na ang pag-iisa-isa sa kanila. Ito ay isang countdown, kaya magsisimula tayo sa number 5. Haha!

Sa Pilipinas, madaming nag-aasam sa akin, ang kaso, sila lang ang napagbigyan ko, dahil sa angkin nilang kagwapuhan. HAHAHA! =))


Ang panlima sa aking listahan ay si Joseph Yeo.
Wala na ang spark ngayon. Haha! May asawa na kasi eh. Masyado sigurong nasaktan sa break-up namin kaya nag-asawa nalang para ipakitang nakamove-on na siya. Haha! Hmm. Professional basketball player na siya and he's playing for Sta. Lucia Realtors. Still, kinikilig pa din ako kapag pinapanood ko siya. ;)


Ang pang-apat naman ay si Young JV.
Bago palang kami nito and masaya naman ako sa piling niya. Siya ang aking current local boyfriend habang wala pa ang PBA. Haha! Rapper siya na kumanta ng "That Girl" na isa sa mga pinakanakakaindak na kantang Pilipino. Haha! Magaling din naman siyang sumayaw at mabait siya dahil ang kikitain niya sa album niya ay ipapamahagi niya sa mga kabataan yata. Haha! Ang galing, diba? At isa pang dahilan, hawig siya kay Jonas Villanueva. :P



Ang pangatlo ay si Simon Atkins.
Player siya ng DLSU Green Archers ngayon at ang kanyang jersey ay number 7. :) Model din siya at may billboards niya akong nakikita tuwing pupunta kaming Pampanga. Ewan ko nalang kung meron pa nun ngayon. :)



Ang pangalawa ay si Jonas Villanueva.
Nung Magnolia palang, rookie siya at 'di ko siya napapansin, busy pa siguro ako nun kay Wesley Gonzales. Haha! Pero, nung 2nd year na niya sa PBA at bumalik sa pangalang SMB Beermen ang favorite team ko, dun ko na siya napansin. 'Di lang siya gumaling sa paglalaro, mas naging hottie pa siya. Haha! Simula nung PBA na yun, naging kami na. HAHAHA! =)) Kaso, wala pa ngayon, kay si Young JV muna na kahawig niya. :)




Ang una ay walang iba kundi si Enchong Dee.
'Di ko alam kung kailan ko siya nasimulang magustuhan, pero, hanggang ngayon, kinikilig pa din ako sa kanya. HAHA! Cute siya tapos swimmer pa. Simple lang siya tsaka maayos umarte. At siyempre, wag nating kalimutan ang kanyang napakagandang katawan. (Sa picture, may taba pa yan. Para 'di kayo sobrang maglaway. Haha!)

Akala niyo yan lang? Madami a yan. Pero, next time na. Baka madaming magselos, tapos, magkaaway-away pa silang lima dahil sa pag-amin kong 'to. Haha!

PAALALA: Fictitious lang po ang lahat ng ito. Haha! maki-ride nalang kayo. :D

Wednesday, August 26, 2009

For my Baby

"People can hide all things except for two: One, that they are drunk. And two, that they are in love.."


I received this quote as a GM (group message) a while ago and I can't get it out of my head. Oh, yes. I am deeply in love again. After all the heartbreaks my ex caused me, I finally found someone whom I think I could stay in love with for a very long time. :)



Haha! i know, 'di kayo sanay sa akin na magsalita nang ganito dahil puro PBA, BOYS! na sinasabi kong boyfriends ko. (e.g. David Archuleta - my Hubby), at Gossip Girl pati na rin One Tree Hill. Pero, sa totoo lang, ang isa sa mga dahilan ng pagiging masaya ko ay siyempre, ang taong nakakapagpatibok ng puso ko. Wow. Haha! Siyempe, andiyan na din yung sa friends at family pero, iba pa din yung alam mong may nagmamahal sa'yo. :)

Hindi niyo ba na-feel yun? Na pagkagising mo, hanggang sa pagtulog siya yung iniisip mo. Tapos, malalaman mo at the end of the day na ganon din pala siya. Haha! Wala lang. Natatouch lang ako and gusto kong i-share sa lahat.

Mahirap lang ang situation namin dail magkalayo kami and bawal pa akong mag-boyfriend. Hahaha! Pero, gusto ko pa ding ipagkalat. Kasi, proud ako sa kanya. Sana nalang walang epal diyan na magsasabi sa Mom ko, kung hindi, patay! Haha!

Hmm. Wala rin kasing magawa and mahirap magpigil ng tunay na nararamdaman, diba? Haha! Kaya ayon.

Baby! I love you so much! I'll be yours until my last breath and I won't let anyone take me away from you. Haha! Sana naman feel mo nang mahal talaga kita, diba?

Waha. Ang corny ba? First blog palang naman eh. Siguro, in time, matututo din ako ng tamang way ng paggawa ng blog. Haha!

SANA NAMAN, WALANG UMEPAL.
Pakiusap ko lang. Secret na natin 'tong blog ko. Nyaha. :)